1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang,
hindi lahat matibay para sa temptasyon."
2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo."
3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
"
4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din."
8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."
10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka."
13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang
puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,
kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo
na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo!"
Friday, May 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment